Hindi dapat tumaas ang singil sa pasahe bilang resulta nang pagtataas ng excise tax sa petroleum products sa ilalim ng TRAIN Law.
Binigyang diin ito ni Energy Assistant Secretary Bodie Pulido dahil hindi naman aniya otomatikong aakyat ang presyo ng gasolina kapag tumaas ang singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Pulido na hindi dapat magtaas ng singil sa pasahe dahil mayruong fuel subsidies para sa Public Utility Vehicle drivers o katulad ng ginawa nuong 2014 sa pamamagitan naman ng Pantawid Pasada Program.
Dahil dito tiniyak ni Pulido ang paggigiit ng concern na ito sa petisyong dagdag pasahe na nais ng ilang transport groups.