Bagsak presyo na ngayong holiday season ang singil sa pasahe ng Airasia Philippines na sinimulan noong lunes.
Ito ay bilang bahagi ng repdigit sales craze ng naturang paliparan kung saan, murang maa-avail ng publiko ang holideals na nagkakahalaga ng P112 para sa domestic at P412 naman para sa international flights.
Tatagal ang holideals hanggang June 30, 2023 kung saan, kabilang sa mga ruta ng Airasia na mayroong discounted fare ay ang Manila-Tokyo na nakatakdang ilunsad sa Pebrero ng susunod na taon.
Binuksan din ang biyahe ng Manila-Caticlan, Manila-Cebu, Manila-Bangkok at Manila-Incheon.
Bukod pa dito, nagkaroon din ng 12.12 holideals sa Airasia super app na umabot sa 69% ang discount para sa mga hotel booking.
Nito lamang buwan ng Nobyembre, umabot na sa 90% ang load factor ng domestic flights habang 80% naman para sa international flights.