Target ng Department of Tourism (DOT) ang mas mababang singil sa RT-PCR test para sa mga turista.
Ayon ito kay tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat ay matapos alisin ng IATF ang age restriction policy para sa mga taga-Metro Manila na bibiyahe sa mga tourist destinations sa mga lugar na nasa MGCQ.
Binigyang-diin ni Puyat na isinusulong nila ang affordable travel para sa lahat lalo na kapag pamilya ang magbibiyahe sa mga tourist destination.