Mararamdaman din ngayong buwan ang dagdag na singil sa tubig.
Ito ay dahil sa foreign currency differential adjustment o FCDA kasunod ng bahagyang pagsadsad ng piso.
Dagdag na P0.11 centavos kada cubic meter ang ipapatupad ng Manila Water habang P0.5 centavos naman sa Maynilad.
Ang FCDA ay tariff mechanism na inibinigay sa mga utility companies para makaagapay sa paggalaw ng piso laban sa iba pang currency.
MERALCO
Magpapatupad naman ng dagdag singil sa kuryente ang Manila Electric Company o MERALCO ngayong buwan ng Abril.
Ito’y makaraang aprubahan ng Energy Regulatory Commission o ERC ang mahigit 5 bilyong pisong ancillary services maliban pa sa pagpapataw ng feed in tariff.
Dahil dito, P0.22 ang magiging dagdag singil sa kuryente ngayong Abril o katumbas ng P44 na umento sa singil para sa mga kumokonsumo ng 200 kilowatts per hour.
Habang P66 naman ang dagdag singil para sa mga kumokonsumo ng 300 kph, P88 naman para sa mga kumokonsumo ng 400 kph habang P110 naman para sa mga kumokonsumo ng 500 kph.
Paliwanag ng MERALCO, maliban sa mga nabanggit na dagdag singil, nagkaroon din ng pagtaas sa singil ng National Power Corporation o NAPOCOR para sa generation charge.
By Rianne Briones