Bahagyang bababa ang singil sa tubig ng Maynilad at Manila Water epektibo sa Abril 1.
Ito ay matapos na aprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanilang foreign currency differential adjustment dahil naman sa paglakas ng piso.
Batay sa abiso, apat na sentimo (P0.04) kada kubiko metriko ang magiging bawas sa singil ng Maynilad habang isang sentimo (P0.01) kada kubiko metriko naman sa Manila Water.
Dahil dito, asahan na ang apatnapu’t anim na sentimong (P0.46) bawas sa water bill ng mga consumers ng Maynilad na komukonsumo nang hanggang trenta kubiko metriko sa kada buwan.
Habang nasa siyamnapu’t isang sentimo (P0.91) naman ang mababawas sa water bill ng mga consumer ng Manila Water na komukonsumo nang hanggang trenta kubiko metriko kada buwan.
—-