Naka-umang na rin ang dagdag singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon dulot ng environmental charge na binabayaran ng mga customer.
Ipinaliwanag ni Manila Water Spokesman Jeric Sevilla na ang environmental charge ang magpapalaki ng bayarin sa tubig.
Ayon kay Sevilla, kung 20 cubic meters ang kunsumo halimbawa, magiging 25% na o katumbas ng P82 ang environmental charge sa basic charge na mahigit P300.
Sa panig na Maynilad, mananatili naman sa 20% ang environmental charge subalit madaragdagan pa rin ang bill dahil tataas din ang basic charge.
Samantala, nilinaw ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System Chief Regulator Patrick Ty na tinaasan ng Manila Water ang environmental charge sa dahil mas malaki na ang kanilang sewered lines.