Nakatakdang tumaas ang singil sa tubig simula sa susunod na buwan.
Average na 80 Centavos kada cubic meter ang ipapataw ng Maynilad sa mga customer nito at average na 11 Centavos naman sa Manila Water.
Resulta ito ng inflation o taas presyo ng mga bilihin at FCDA o Foreign Currency Differential Adjustment o galaw ng palitan ng Piso kontra Dolyar.
Ang impact sa residential customers ng Maynilad ang dagdag na dalawa hanggang 20 Piso sa buwanang bill samantalang mas kakaunti naman ang dagdag na singil sa mga customer ng Manila Water na hanggang mahigit 2.00 piso sa buwanang bill.
Pati ang naunang dagdag singil ng Maynilad na naipanalo sa International Arbitration at mababang korte ay hinaharang pa rin ng MWSS.
Pareho namang humirit ang Maynilad at Manila Water ng dagdag singil nuong 2013 subalit binawasan pa ng MWSS ang kanilang rate.
Iniurong sa July 2018 ang desisyon sa hiwalay pang hirit ng Maynilad at Manila Water na dagdag singil kaugnay sa tinawatag na rate rebasing.
Mas masakit umano ito sa bulsa dahil inaasahang maglalaro sa walo hanggang 10.00 Piso kada cubic meter ang magiging dagdag singil sa tubig.