Uubra namang maibaba ang singil sa tubig depende sa magiging halaga ng Piso kontra sa Dolyar.
Ayon ito kay Manila Water Spokesman Jeric Sevilla matapos itaas ang singil sa tubig epektibo nitong nakalipas na October 1.
Sinabi sa DWIZ ni Sevilla na nagtaas sila ng singil dahil sa FCDA o Foreign Currency Differential Adjustment o pagbabago ng palitan ng Piso kontra ibang currency tulad ng Dolyar.
Makikita naman aniya ang patuloy na paghina ng Piso kontra sa Dolyar lalo na nuong nakalipas na quarter.