Kumpiyansa ang Department of Social Welfare and Development na makakamit ng pamahalaan ang target na single digit poverty rate hanggang sa taong 2028.
Ayon kay Social Welfare Undersecretary Edu Punay, kaya itong maabot sa susunod na tatlong taon, sa tulong ng mga programa ng gobyerno at suporta mula sa international organizations.
Bagama’t hindi sinabi ni Usec. Punay kung anong mga hakbang ang kanilang gagawin para makamit ang single digit poverty rate, binigyang-diin ng opisyal ang kahalagahan ng pagbuo ng desisyon na nakabatay sa mga datos.
Sa tulong aniya ng mga konsultasyon at pag-aaral, hindi imposibleng mapababa ng administrasyong Marcos sa single-digit ang poverty level sa bansa. - Sa panulat ni Laica Cuevas