Pinag-aaralan ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. ang posibilidad na isang beses lamang maturukan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs), kabilang ang mga seafarers.
Ipinabatid ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III dahil sa aniya’y pangangailangang makaalis ang mga OFW, batay na rin sa kanilang deployment schedule pa ibang bansa.
Una nang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga OFW na lalabas ng bansa sa susunod na apat na buwan ay kabilang na sa top priority list ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno.
Sinabi ni Bello na ang mga OFW ay pasok na sa A1 category mula sa A4 category sa prioritization list.