Inihayag ni vaccine expert panel Dr. Ma. Liza Gonzales na maaring magamit sa revaccination regimens o pagbabakuna ang single dose na Sputnik Light vaccine.
Ayon kay Gonzales, ang naturang bakuna ay “good candidate” para sa booster shot na nakapagbibigay rin ng neutralizing antibodies laban sa Omicron variant.
Dagdag ni Gonzales na ang efficacy ng mga bakuna laban sa variants of concern ay mababa pero patuloy parin itong nakapagbibigay ng proteksyon laban sa severe COVID-19.—sa panulat ni Angelica Doctolero