Itinanghal na ‘Song of the Year’ sa 2018 Awit Awards ang single ni rapper na si Gloc 9.
Ang nasabing single ni Gloc 9 na pinamagatang ‘Trapik na Naman’ at tumatalakay sa matinding traffic sa Metro Manila ay binigyang parangal kagabi sa ginanap na awarding ceremony.
Nagpasalamat naman si Gloc 9 sa mga bumuo sa nasabing awit na tumalo sa ‘Labo’ ni KZ Tandingan at ‘Titibo-Tibo’ ni Moira dela Torre.
Napasakamay naman ni Moira ang best song written for movie award para sa kanta niyang ‘Saglit’.
Tila nag-comeback naman sa nakuhang best alternative recording award ang 90’s rock band na Rivermaya sa pamamagitan ng kanilang single na Manila.
Big winner din ang rapper na si Shanti Dope matapos itanghal ang awit niyang Nadarang bilang best hiphop recording.
Ang Awit Awards ay taunang parangal ng PARI o Philippine Association of the Record Industry na nagbibigay pagkilala sa music industry.
—-