Asahan na ngayong linggo ang pagsisimula ng delivery ng one-shot COVID-19 vaccine ng Johnson & Johnson.
Ayon kay Vaccine Czar at Secretary Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna ay bahagi ng sharing agreement ng Pilipinas sa U.S. at Covax Facility.
Ang mahigit tatlong milyong doses ng donasyong Johnson & Johnson vaccine ay ide-deploy sa iba’t ibang rehiyon kung saan inaasahang 100,000 maaaring matanggap ng bawat isa.
Samantala, pinawi ni Galvez ang pangamba sa maikling shelf life ng mga bakuna at tiniyak ang mas mabilis na vaccine rollout ng mga local government unit sa oras na makatanggap ng supply.
Kumpiyansa ang opisyal na maaabot ng gobyerno ang 2 million shots kada linggo sa sandaling magdatingan na ang mga bakuna na aabot sa 16 milyong doses ngayong Hulyo lamang. —sa panulat ni Drew Nacino