Ipinagbabawal na ng Korte Suprema ang paggamit ng mga single-use plastic sa lahat ng mga nasasakupan nilang opisina.
Ayon kay Deputy Clerk of Court at Chief Administrative Officer Maria Carina Cunanan, alinsunod ang direktiba ng Korte Suprema sa solid waste avoidance and management strategy ng national solid waste management commission.
The Supreme Court, through its Office of Administrative Services, has implemented an outright ban on the use of unnecessary single-use plastics in its Offices. pic.twitter.com/TJb5HeEJiH
— Supreme Court Public Information Office (PIO) (@SCPh_PIO) March 2, 2020
Nakapaloob dito ang mga itinuturing na unnecessary single use plastics tulad ng mga plastic cups na mas mababa sa 0.2 millimeter ang kapal, plastic drinking straws, stirrers, kutsara, tinidor at kutsilyo, plastik labo at sando bags na mas mababa sa 15 microns.
Iginiit naman ng Supreme Court Public Information Office (PIO) na layunin nitong ipakita na kaisa sila sa pagsisikap ng pamahalaan para mapangalagaan ang kalikasan.