Itinuloy din ni Cong. Jose Singson Jr. ang paghahain ng panukalang gawing dalawang taon ang probationary period ng mga bagong empleyado sa pribadong sektor.
Sa kabila ito ng kabi-kabilang pagbatikos na tinanggap ng kanyang panukala.
Sa ilalim ng house bill 4802, aamyendahan ang probisyon ng Labor code na nagsasabing anim na buwan lamang ang probationary period para sa bagong empleyado at gagawin itong 24 na buwan.
Ikinatwiran ni Singson na kalimitan nang tinatanggal ng mga employers ang bagong empleyado bago pa mag-anim na buwan upang maiwasan na maging regular ito.
Kung dalawang taon anya ang probationary period, makatitiyak ang empleyado na hindi mapuputol ang kanyang employment sa susunod na dalawang taon. — ulat ni Jill Resontoc (Patrol 7)