Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang sinibak na opisyal ng Bureau of Customs (BOC).
Ayon kay Atty. Mandy Anderson, Chief of Staff ni Customs Commissioner Nicanor Faeldon, kumakalap na rin sila ng mga ebidensya kaugnay sa reklamong extortion kay Atty. Arnel Alcaraz, ang sinibak na hepe ng enforcement group ng Customs.
Nilinaw ni Anderson na wala pang kasong isinasampa laban kay Alcaraz na pinalitan na sa puwesto ni Isabelo Tibayan III.
Magugunitang tinukoy subalit hindi pinangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang isang deputy ng Customs dahil sa paratang na katiwalian.
By Judith Larino | Aya Yupangco (Patrol 5)