Kung mayroon daw kumpletong ebidensya ng katiwalian laban sa mga sinisibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa hanay ng mga opisyal ng gobyerno, dapat kasuhan ang mga ito.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes, kung talagang seryoso ang Pangulo sa paglaban sa korapsyon sa pamahalaan, hindi lang pagtanggal sa pwesto ang dapat na gawin sa mga nasasangkot sa katiwalian.
PAKINGGAN: Pahayag ni Senador Antonio Trillanes
Sinabi ni Trillanes na maraming alam tungkol sa Pangulo ang mga sinisibak kaya hindi makasuhan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Senador Antonio Trillanes
By Avee Devierte |With Report from Cely Bueno