Talaga namang pang-world class ang lutong Pinoy dahil kabilang ang sinigang at bulalo natin sa pinakamasarap na sabaw sa buong mundo!
Ayon sa TasteAtlas, isang travel guide sa traditional foods, pasok ang sinigang at bulalo sa 50 Best Soups in the World sa taong 2024.
Ano nga ba ang rankings ng mga favorite nating ulam sa nasabing listahan?
Tara, alamin natin yan.
Mula sa ika-42 pwesto noong nakaraang taon, tumaas ang ranking ng sinigang sa ika-17 pwesto.
Nakuha naman ng bulalo ang ika-37 na pwesto.
Samantala, mayroong sariling ranking ang sinigang na baboy ngayong taon na nasa top 38.
Ayon sa TasteAtlas, ang sinigang ay isang katangi-tanging sabaw na tunay na kumakatawan sa Filipino cuisine dahil sa maasim na lasa nitong akma sa tropikal na klima ng Pilipinas.
Habang nagustuhan din ng nasabing travel guide ang simple ngunit malasang flavor ng bulalo.
Ang pagkakabilang ng sinigang at bulalo sa “Top 50 Best Soups” ay patunay na hindi lamang masarap ang lutong Pinoy, kundi mayaman din sa kultura. Sa bawat higop ng sinigang at bulalo, tiyak na mararanasan mo ang tunay na lasa ng pagiging Pilipino.
Ngunit kung ikaw ang tatanungin…
Ano pang lutong Pinoy ang karapat-dapat na mapasama sa Top 50 Best Soups in the world?