Kinilala ang sinigang na baboy bilang best soup sa buong mundo nitong 2021 ayon sa food and travel website na Tasteatlas.
Nanguna ang sinigang na baboy sa isang-daang iba pa na nasa listahan na nakakuha ng rating na 4.7 out of 5.
Sa nasabing website, inihalimbawa ang sinigang bilang pinaka-kilalang cuisine ng mga Pilipino dahil sa taglay nitong asim na swak na partner sa mainit na panahon sa Pilipinas.
Ang sinigang ay naglalaman ng ilang sangkap tulad ng; sampalok, talong, okra, kangkong at iba pa.
Maliban sa sinigang, kasama rin sa listahan ng Tasteatlas ang lumpia, sisig at adobo. —sa panulat ni Abby Malanday