Nadiskubre ng mga otoridad ang isang sinkhole na may lalim na isang talampakan sa kahabaan ng southbound lane ng EDSA – Connecticut.
Kasunod na din ito ng isinagawang inspeksyon ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa nasabing lugar.
Sinabi ni MMDA Operations Supervisor Bong Nebrija na ipinakita nila ang panganib ng nasabing sinkhole na una nang ipinabatid sa kanila ng Highway Patrol Group o HPG.
Ayon kay Nebrija, una nang inaspalto ang nasabing sinkhole subalit hindi ito naging epektibo dahil lumubog din ito kaya’t nangangamba silang mas malalim at malawak pa ang naturang sinkhole.
Dahil dito, tiniyak ni Nebrija ang pag-aayos sa naturang sinkhole.