Hindi tumalab kay San Juan City Lone District Rep. Ronaldo Zamora ang Sinopharm vaccine kahit dalawang beses na itong binakunahan kontra COVID-19.
Aminado ang kanyang anak na si Mayor Francis Zamora na “zero” ang anti-bodies ng kanyang ama matapos makumpleto ang dalawang doses ng Sinopharm noong Disyembre.
Ayon sa alkalde, inabisuhan ng kanilang mga doktor ang kanyang ama na magpaturok ng “booster shots” na Pfizer, anim na buwan matapos makumpleto ang Sinopharm vaccination.
Kailangan anya ang booster shots lalo’t sumailalim sa mga operasyon ang kongresista gaya ng kidney transplant noong 2015 at quadruple bypass noong 2005.
Una nang inihayag ng Department of Health na hindi nila inirerekomenda ang COVID-19 booster shots dahil sa kakulangan ng ebidensya na epektibo ito. —sa panulat ni Drew Nacino