Muling iginiit ng Sinopharm na hindi sila ang source ng bakuna kontra COVID-19 na itinurok sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) noong nakaraang taon.
Sa isinagawang Senate hearing kaugnay ng COVID-19 vaccination program ng gobyerno, nilinaw ni Atty. Mark Kristopher Tolentino, presidente at CEO ng MKG Universal Drugs Trading Corporation, na hindi pa nila sinisimulan ang importasyon ng bakuna sa bansa.
Inamin naman ni Tolentino na natanggap na nila ang liham mula sa Food and Drug Administration (FDA) na humihingi ng paliwanag sa usapin at aniya’y tumugon na sila rito sa pagsasabing hindi pa sila nakakapag-angkat ng Sinophram vaccine.
Aniya, sa ngayon ay iniimbestigahan pa nila kung paano naipuslit sa bansa ang naturang bakuna.