Nakahanda ang pharmaceutical company na may likha ng Sinopharm vaccine na magpadala ng 25-milyong doses ng bakuna sa bansa.
Ito ang inihayag ni Atty. Mark Tolentino, president at CEO ng MKG Universal Drugs Trading Corporation na exclusive distributor ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ani Tolentino, agad na maipapadala sa bansa ang milyon-milyong dose ng bakuna oras na lumabas na ang emergency use authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).
Giit ni Tolentino, noon pang Enero sila nagsumite ng aplikasyon para sa EUA ngunit magpahanggang sa ngayon ay hinihintay pa nila ang resulta nito.
Sa huli, binigyang diin ni Tolentino na ang Sinopharm umano ang maituturing na “China’s best vaccine” na pwede sa edad tatlong taong gulang hanggang higit 100 taong gulang, maging sa mga may sakit na o persons with comorbidities.