Nagpahayag ng suporta ang Palasyo sa panukala ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., na iturok na sa mga senior citizens ang bakuna kontra COVID-19 na likha ng Sinovac.
Ito ang posisyon ng Palasyo kahit na labag sa rekomendasyon ng Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque na maraming mga bansa ang gumagamit ng naturang bakuna sa mga nakatatanda.
Kung kaya’t ani Roque, ang kailangan lang ng FDA ay karagdagang mga data para baguhin ang naunang rekomendasyon nito.