Inirekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng Sinovac vaccine para sa mga babakunahang senior citizen.
Ito’y matapos magdesisyon ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila na itigil pansamantala ang pagbabakuna sa mga senior citizen dahi kakulangan ng suplay ng bakuna ng Astrazeneca.
Ayon kay Vaccine Development Experts Panel o VEDP Head Dr. Nina Gloriani, inaasahan na rin nila na magbibigay ang Food and Drug Administration ng rekomendasyon sa Sinovac para gamitin sa mga senior citizen.
Sinabi pa ni Gloriani na kabilang ang 400 senior citizens sa isinagawang clinical trials ng Sinovac sa Brazil at China.
Dagdag nito, maganda at ligtas ang profile ng Sinovac at kung magkaroon man ng side effects lumalabas na mild hanggang moderate lamang ito.