Nananatiling priority ng gobyerno ang bakunang dini-develop ng Chinese firm na Sinovac sa kabila ng isyung bribery rito.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque lalo na’t tiwala ang Pangulong Rodrigo Duterte sa vaccine review process na isinasagawa ng Food and Drug Administration (FDA).
Binigyang diin ni Roque na consistent ang gobyerno sa pagsasabing tanging ang bakunang mapapatunayang ligtas at mabisa laban sa COVID-19 lamang ang papayagan na magamit kaya sa tingin niya ay hindi mangyayari sa Pilipinas ang umano’y bribery issue sa bakunang gawa ng Sinovac.
Target pa rin aniya ng gobyerno ang bakunang gawa ng Sinovac na maaaring unang iturok sa mga Pilipino na mangyayari sa unang quarter ng susunod na taon.
Tinututukan ng Pilipinas ang pag bakuna sa 25 milyong Pilipino sa 2021.