Tulad ng inaasahan, dumating na ang kauna-unahang batch ng mga bakuna kontra COVID-19 na donasyon ng Chinese government sa Pilipinas at gawa ng Sinovac Biotech.
Pasado alas-4 ng hapon nang lumapag sa Villamor Air Base sa lungsod ng Pasay ang cargo plane ng Chinese military kung saan lulan ang nasa 600,000 doses ng CoronaVac.
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang welcome ceremony para sa mga bakuna, kasama ang ilang opisyal ng gobyerno, habang sinalubong naman ito ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Huang na ang pagpapadala ng vaccine donation ng China sa Pilipinas ay bilang pagtupad na rin ni Chinese President Xi Jinping sa pangako nitong tutulong sa pagpuksa sa virus.