Posibleng maantala ang pagdating ng bakuna kontra COVID-19 ng Sinovac mula sa China dahil sa kawalan ng emergency use authorization (EUA) ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t donasyon ng China ang Sinovac nais muna nilang hintayin ang EUA bago ipadala ito sa bansa.
Ani Roque, mas makabubuti kung nakahanda na ang EUA upang matiyak ang pagdating ng bakuna at malaman din kung ito ay maaaring magamit na o hindi.
Una rito, sinabi ni Roque na inaasahan ang pagdating sa bansa ng 600,000 Sinovac sa Pebrero 23.