Wala pangkasiguraduhan ang pagbili ng gobyerno ng 25 milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Chinese firm na Sinovac
Ito ayon kina Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. at Testing Czar Vince Dizon, na hindi pa naisasapinal ang kasunduan sa Sinovac.
Nilinaw pa ni Galvez, na naka-depende pa sa magiging rekomendasyon ng vaccine experts panel at sa pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA).
Matatandaang ilang beses nang tinutulan ng mga senador ang planong pagbili ng Sinovac COVID-19 vaccine dahil 50% lamang ang efficacy rate nito.
Samantala, sinabi naman ni Philippine Foundation for Vaccination Executive Director Dr. Lulu Bravo, na ang 50% minimum efficacy ay pasok sa itinatakda ng World Health Organization (WHO) para sa bakuna kontra coronavirus. — sa panulat ni John Jude Alabado