Ikinukunsidera ni Cagayan Governor Manuel Mamba ang pagbibigay ng Sinovac sa kaniyang mamamayan.
Ayon kay Mamba, inihahanda na nila ang pondong ilalaan ng lalawigan para sa pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Bukas naman aniya si Mamba sa lahat ng bakuna basta’t ito’y aprubado rin ng gobyerno.
Handa rin umano si Mamba na maunang magpabakuna lalo’t tiyak naman ang kaligtasan ng COVID-19 vaccine na ituturok sa kaniya.