Haharap sa panibagong pagdinig ng Senado hinggil sa vaccination program kontra COVID-19 ng gobyerno ang mga kinatawan ng mga pharmaceutical company at vaccine manufacturer.
Kabilang sa imbitado ang Sinovac Biotech Limited, Zuellig Pharma Philippines, Pfizer, Unilab, MKG Universal Drugs Trading Corporation na exclusive distributor sa Pilipinas ng Sinopharm na pag-aari ng Chinese government.
Ilan sa mga tututukang usapin sa mga ito ang efficacy, presyo, safety at side effects ng bawat bakuna.
Magugunitang naging kontrobersiyal ang Sinovac dahil tila mas kinikilingan ng malakanyang ang bakunang likha nito kahit may kuwestiyon sa efficacy, presyo, safety at side effects nito.
Samantala, pinahaharap din muli sa pagdinig sina Vaccine Czar Carlito Galvez, Health Secretary Francisco Duque III at iba ang miyembro ng gabinete na kasapi ng Inter-Agency Task Force