Nag-apply na ng emergency use authorization (EUA) sa Food and Drug Administration (FDA) ang Chinese firm na Sinovac para sa kanilang nilikhang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, isinumite ng Sinovac ang kanilang aplikasyon kahapon.
Gayunman, sinabi ni Domingo na hindi pa kumpleto ang mga isinumeting requirements ng Sinovac para makakuha ng EUA.
Aniya, tanging resulta pa lamang ng phase 1 at phase 2 ng kanilang clinical trials ang naipadala ng Sinovac.
Ani Domingo, hindi nila maaassess ang benepisyo at panganib ng bakunang gawa ng Sinovac hanggang hindi nila makikita ang resulat ng phase 3 clinical trial nito.