Tiniyak ng Sinovac na magdadala ito ng panibagong supply ng COVID-19 vaccine sa ikatlong quarter ng taong ito.
Kasunod na rin ito’y ayon kay Carlo Roach Garrucho, Chief Operating Officer ng IP Biotech ng pinakahuling pag-uusap nila ng Sinovac.
Sinabi ni Garrucho na tiwala silang makapagdadala sila ng supply ng COVID-19 vaccines para sa pribadong merkado.
Una nang inanunsyo ni vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na lumagda na ang gobyerno para bumili ng dagdag na 10 milyong doses ng coronavac vaccine para matiyak ang matatag na supply.