Tiniyak ng Department of Science and Technology (DOST) na walang major side effect ang bakuna ng Sinovac kung ito ay gagamitin ng mga senior citizen.
Ayon kay Dr. Jaime Montoya ng DOST, batay sa mga datos sa ibang bansa kung saan itinuturok ang Sinovac vaccine sa mga senior citizen, walang nakita o naiulat na nakaranas ng major side effect.
Kung meron aniya sigurong side effect ang naturang bakuna, sa malamang ay kaya ito o ‘tolerable’ para sa mga matatanda.
Una rito, inirekomenda ng Food and Drug Administration ang paggamit ng Sinovac sa mga senior citizen matapos magkaroon ng kakulangan sa suplay ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).