Inihayag ng Palasyo na darating na sa katapusan ng buwan o ika-28 ng Pebrero ang 600,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac.
Ayon kay Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque ang mga nabanggit na bakuna ay sasalubungin ng mga opisyal ng pamahalaan sa Ninoy Aquino International Airport.
Mababatid na ang 100,000 doses na bakuna kontra COVID-19 ay donasyon ng China para sa Defense Department.
Nauna rito, inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang mga bakunang darating sa bansa ay isasakay sa isang military aircraft.