Isa sa mga kondisyon o nararanasang sakit ng isang indibidwal ay ang cyst na tumutubo sa labas o sa loob ng kidney na kadalasan ay naglalaman ng likido.
Ayon sa mga eksperto, ang ating mga kidney ang siyang nagtatrabaho upang salain ang ating mga dugo na dumadaloy sa ating katawan at kapag ito ay maapektuhan ng cyst ay posibleng makaramdam ng mga sumusunod;
- pananakit ng mababang bahagi ng tagiliran o likod
- masakit ang mataas na bahagi ng tiyan
- may kasamang dugo ang ihi o hindi normal ang kulay ng ihi
- highblood pressure
- masakit ang ulo
- nakakaranas ng Urinary Tract Infections o UTI
- Kidney stones
- lagnat at iba pang sintomas ng impeksiyon
Para maiwasan ang ganitong uri ng sakit, mainam na kumunsulta padin at sundin ang mga payo ng mga doktor.
Pero mayroon namang alternatibong paraan upang maiwasan ang nasabing sakit, kabilang na diyan ang palagiang pag-inom ng tubig at buko juice at iwasan ang tea, coffee at softdrinks.
Mainam din sa katawan ang pagkain ng red o brown rice, berries fruits, green and leafy vegetables, wheat bread, fish o chicken at iwasan naman ang pagkain ng preserved foods tulad ng hotdogs, tocino, longganisa at iba pa. —sa panulat ni Angelica Doctolero