Alam niyo ba ang epekto at sintomas ang isang stress?
Ang stress ay isang reaksyon ng katawan sa mga sitwasyon na tinataya nitong harmful o delikado sa isang tao.
Kapag ang katawan ay nasa stress response, tumataas ang heart rate o bilis na pagtibok ng puso kasabay ang pagbilis ng paghinga, paghigpit ng mga kalamnan at pagtaas ng blood pressure.
Ang mga sintomas nito ang mga sumusunod:
- Kawalan o pagtaas ng gana kumain
- Labis na pagkabalisa, pag-aalala, pagiging guilty, at pagiging kabado;
- Insomnia;
- Pagkakaroon ng mga bangungot;
- Hirap sa pag-concentrate;
- Pagiging hirap sa pagproseso ng bagong impormasyon;
- Pagiging makakalimutin;
- Hirap sa paggawa ng desisyon;
- Kawalan ng gana sa pagtatrabaho at mga karaniwang nae-enjoy na gawain;
- Kawalan ng gana sa pakikipag-usap;
Maari niyong maiwasan ang stress ay dapat magkaroon ng active lifestyle at pahinga, kumain nang tama at uminom ng vitamins C. - sa panunulat ni Jenn Patrolla