Hindi pareho ang sintomas ng delta variant sa COVID-19.
Ayon kay WHO digital health expert at Takeda Medical Director Melvin Sanicas, nakita sa kanilang pag-aaral na ang runny nose at sneezing umano ang madalas na sintomas na nararanasan ng pasyenteng may delta variant.
Hindi rin aniya nakararanas ng kawalan ng pang-amoy at panlasa ang isang delta variant patient na karaniwang nararanasan ng isang COVID-19 patient.
Kaugnay nito, iginiit naman ni Department of Health-Technical advisory group member Anna Liza Ong-Lim na mabakunahan ang mga senior citizen at mga indibidwal na may comorbidities.—sa panulat ni Hya Ludivico