Ang Salmonella ay isang impeksyon na nagdudulot ng pagtatae, lagnat at pananakit ng tiyan.
Karaniwang nawawala ang salmonella pagkalipas ng ilang araw ngunit kinakailangang uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
Ilan sa mga sintomas ng pagkakaroon ng salmonella ay
- diarrhea
- lagnat
- pananakit ng tyan o cramps
- nausea o pagsusuka
- sakit sa ulo
Maaaring makuha ang salmonella sa mga pagkaing kinokonsumo natin sa araw-araw tulad ng
- raw eggs o eggshells
- raw red meat seafood at poultry.
- prutas at gulay
- unpasteurized milk o cheese
- untreated water
- balahibo, feathers, kaliskis, balat at dumi ng hayop
Maaari rin itong makuha sa mga hayop tulad ng mga
- amphibians
- reptiles
- birds
- farm animals
- pets tulad ng aso pusa at iba pang maliliit na hayop.
Ang salmonella ay nakakahawa at maaaring makuha mula sa ibang tao o maging sa iyong alagang hayop.
Karaniwang hindi ginagamot ang salmonella ng gamot ngunit maaaring mag bigay ang iyong healthcare provider ng mga antibiotic.
Dapat kang uminom ng maraming tubig at maaaring bigyan ka ng iyong provider ng IV Fluids kung ikaw ay dehydrated.
Malaki ang parte ng proper hygiene kaya naman, ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay at iwasan ang paghalik sa mga alagang hayop. —sa panulat ni Hannah Oledan