Tinawag na sinungaling ni Senador Antonio Trillanes si Pangulong Rodrigo Duterte matapos siyang akusahan ng punong ehekutibo na nangingikil umano sa malalaking mga negosyante.
Hinamon ni Trillanes si Pangulong Duterte na maglabas ng mga ebidensya para patotohanan ang mga inaakusa nito, iginiit ni Trillanes na dapat siyang gayahin ng Pangulo na suportado ng mga dokumento at testigo ang mga alegasyon laban sa punong ehekutibo.
Apila ni Trillanes, tigilan na ang pambobola at buksan na lamang ng Pangulo ang bank accounts nito kung saan naroon ang tagong yaman nito na nasa P2-B.
By Ralph Obina