Isinailalim na sa state of calamity ang bayan ng Siocon, Zamboanga del Norte dahil sa matinding pinsalang idinulot ng bagyong Vinta.
Ayon kay Siocon Mayor Julius Lobrigas, walo (8) katao ang nasawi sa flashfloods habang dalawang (2) iba pa ang nawawala, at nasa tatlongdaang (300) kabahayan sa tabi ng ilog ang nawasak ng baha.
Hindi aniya nakinig sa kanilang mga babala at panawagang magsilikas ng maaga ang karamihan sa mga residente sa tabi ng ilog.
Apektado din ang power at water supply maging ang sektor ng agrikultura sa Siocon lalo’t nasa dalawanglibong (2,000) ektaryang palayan ang nalubog sa baha.
Una dito, isinailalim na sa state of calamity ang mga bayan ng Gutalac at Salug sa Zamboanga Del Norte bunsod ng pananalasa ng bagyo.