Inaasahang tatama sa kalupaan ang Severe Tropical Storm ‘Siony’ sa bahagi ng Batanes —sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Ayon sa PAGASA, posibleng mapanatili ng Bagyong Siony ang lakas nito o bahagyang lumakas pa sa loob ng 24-oras.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes at Babuyan Islands, habang Signal No. 1 naman sa hilagang bahagi ng Mainland Cagayan, Apayao, at Ilocos Norte.
Inaasahan ding lalabas ng bansa ang Bagyong Siony ngayong gabi.
Samantala, isa namang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan din ngayon ng PAGASA na tinatayang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon; posible itong maging bagyo at tatawagin itong Bagyong ‘Tonyo’.