Nakatawid na ang sentro ng Bagyong Siony sa bahagi ng Misanga Island sa Itbayat, Batanes.
Huling namataan kaninang alas-7 ng umaga ang Bagyong Siony sa layong 30 kph, silangan, hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kph.
Kumikilos pa-kanluran sa bilis na 20 kph.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Signal No. 2 sa Batanes at Babuyan Islands; habang Signal No. 1 naman sa northern portion ng mainland Cagayn, northern portion ng Apayao, at northern portion ng Ilocos Norte.