Napanatili ng Tropical Storm Siony ang lakas nito habang kumikilos sa Philippine Sea.
Huling namataan ang Bagyong Siony kaninang alas-10 ng umaga sa layong 155 kilometro silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kph malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 105 kph.
Mabagal itong kumikilos pa-Silangan.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
- northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga)
- eastern portion ng Babuyan Islands (Balintang Island, Babuyan Island, Didicas Island, at Camiguin Island, kabilang ang kanilang adjoining islets)