Pinatututukan ni House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang supply ng sibuyas na nagbabadya muling magmahal kung hindi daragdagan ang supply.
Ito’y dahil sa pagkaubos na ng onion stocks mula sa naging ani noong Enero at Pebrero.
Ayon kay Salceda, nananatili sa 7.7 % ang core inflation at sa ganitong rate ay sapul pa rin ang mahihirap na mamamayan sa mataas na presyo.
Kailangan anyang ipagpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapaganda ang food supply, mapababa ang logistics costs at mapanatiling kontolado ang presyo ng basic services.
Makikipag-ugnayan naman ang mambabatas sa Bureau of Customs dahil sa patuloy na paggalaw ng presyo ng sibuyas.
Bukod sa sibuyas, kabilang din sa pinababantayan ni Congressman Salceda ang presyo ng sibuyas.