Umapela ang Malacañang sa lahat na tantanan na ang sisihan sa pagkakatigil ng operasyon ng ABS-CBN.
Sa halip, hinikayat ni Presidential Spokesman Harry Roque ang kongreso na desisyunan na kung ipapasa nila o hindi ang prangkisa ng ABS-CBN at anuman ang kanilang desisyon, dapat anyang ipagbigay-alam na ito sa mamamayan.
Ayon kay Roque, nagkaroon na ng sapat na panahon ang Kamara para pag-aralan kung ipapapasa o hindi ang franchise bill para sa ABS-CBN at isang buwan naman ang kanilang sesyon sa kasalukuyan.
Iginiit ni Roque na tali ang kamay ng Pangulong Rodrigo Duterte para baliktarin ang cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.