Gagamitin ni Incoming Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza ang kaniyang expertise para tuluyang maselyuhan ang Peace Agreement sa ibat ibang grupo at makamtan na rin partikular ang kapayapaan sa Mindanao
Tiniyak ito ni Dureza na una nang nagsilbi sa nasabing puwesto nuong Estrada at Arroyo administrations
Sinabi ni Dureza na marami ang nagbo boluntaryong tumulong subalit hinihintay na lamang ang utos ni Incoming President Rodrigo Duterte para masimulan na ang pakikipag usap sa CPP-NPA-NDF, MNLF, MILF at iba pang armadong grupo
Muling inihayag ni Dureza na wala namang magic formula para maresolba ang kaguluhan sa ilang bahagi ng Mindanao
Una nang kinumpirma ni Incoming Labor Secretary Silvestre Bebot Bello III ang biyahe nila ni Dureza para sa informal talks sa grupo ni NDF Founder Jose Maria Sison
By: Judith Larino