Posibleng may ibang pakay si Pangulong Rodrigo Duterte sa alok nitong muling buhayin ang usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo.
Ito ang iginiit ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison dahil aniya sa paglalatag agad ng kondisyon ng pamahalaan na gawin ang peacetalks sa Pilipinas.
Ayon kay Sison, duda siya kung tunay ngang seryoso at interesado si Pangulong Duterte sa muling pagbuhay sa usapang pangkapayapaan.
Aniya, pagkukunwari lamang ito para maipagpatuloy ng pamahalaan ang ginagawang pag-atake laban sa mga komunistang grupo.
Iginiit ni Sison, hindi mahuhulog sa bitag ang New People’s Army (NPA) at magiging bukas sa mga pag-atake ng pamahalaan dahil sa pagdedekalara ng ceasefire na hindi naman tutugunan ng kabilang panig.