Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Communist Party of the Philippines (CPP) Founder Jose Maria Sison na umuwi sa Pilipinas at pangunahan ang pakikipaglaban sa tropa ng pamahalaan.
Tahasang sinabi ng Pangulo na kung talagang tunay na revolutionary leader at matapang si Sison ay dapat na siya ang manguna sa kanilang ipinaglalaban.
Ngayon lamang aniya siya nakakita ng lider na nagtatago sa ibang bansa at nagpapasarap, subalit ang ipinapasubo ay ang mga tauhang namamatay sa hirap.
Lahat aniya ng gastos ni Sison at allowance ng mga New People’s Army (NPA) leaders ay galing sa revolutionary tax at kinakawawa ang mga Lumad.
Inatasan ng Pangulo ang militar at pulisya na huwag ng gamitin ang salitang revolutionary tax dahil walang ganito sa konstitusyon at dapat kasuhan ang NPA ng extortion at kidnapping.
- Meann Tanbio | Story from Aileen Taliping