Ibinasura ni CPP Founder Jose Maria Sison ang pahayag ng AFP na hindi na niya kontrolado ang New People’s Army (NPA).
Sa gitna na rin ito ng mga umano’y pag-atake ng NPA laban sa gobyerno habang epektibo ang holiday ceasefire.
Binigyang diin ni Sison na siya ang legal na chief political consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na nakikipag-usap sa panig ng gobyerno.
Ang NDFP negotiating panel aniya ang nakikipag-ugnayan sa puwersa ng NDFP, CPP at NPA sa Pilipinas.
Sinabi ni Sison na anti-ceasefire at anti-peace ang ginagawa ng AFP officials sa pamamagitan nang pagbaligtad sa katotohanan ng papel ng NDFP panel sa ilalim ng pagdududa sa kaniyang tungkulin sa peacetalks.